Wednesday, October 14, 2009

employed!..

ang saya ng feeling habang pinipirmahan ko ang employment contract ko.. :) at last, employed na rin ako! hahaha.. gusto ko ngang ipalaminate yung contract na yun eh... ;)) grabe, sobrang pasasalamat ko kay Lord, tinupad niya ang dasal ko.. effective yung dasal ko sa Baclaran church. :D imagine 5 months akong nakatengga sa bahay. labas-pasok ng tirahan. gala rito, tambay doon. hahaha! pero ngayon todo trabaho na ito! woaaah! ^^ sabi na nga ba ng instinct ko, magkakaroon na ko ng trabaho one of these days at ganun na nga ang nangyari.. waaaah ang saya saya ko!... thank you, Lord!!! :D abot hangggang langit ang mga ngiti sa mukha ko. :) pati puso ko pumapantig sa tuwa! hahahaha.. at long last, napasaya ko naren ang mommy't daddy ko.. yesss! hindi na nila ako sesermunan bwahahaha! papatunayan ko na sa kanila na kaya ko rin! at magsisikap ako upang umasenso at tutulong ako sa kanila financially. alright! :) at sympre makakapagshopping na ko anytime I wish! hahahaha.. haay it's all in the prayers lang talaga! kahit alam ng sarili mong kaya mo.. pero kung hindi mo naman dinadasal sa Panginoon ang mga kailangan mo, hindi mo rin makakamit ang tagumpay. tama si mommy, magdasal lang talaga ako ng taimtim at bahala na si God sa akin. dati kase, tamang hingi lang ng guidance tapos sign of the cross pero hindi ko naman dinadama yung dasal ko kaya siguro hindi ako agad agad nabibigyan ng trabaho dahil ang akala ko pwede na yung magtiwala lang sa sarili.. kailangan mo rin pa lang mapalapit sa Kanya. :) mamaya, magsisimba ako.. ipagpapasalamat ko ang umpisa ng tagumpay ko sa Panginoon. :D Siya ang nagbigay sa akin ng wisdom, strength, hope and confidence para makamit ko ang trabahong hinahangad ko. salamat, salamat Panginoon Hesus! :) Tunay kang dakila.. Ama ng sanglibutan. ^_^ P.S salamat rin pala para sa mga nagdasal para sa akin.. mahal ko kayo! :)

Sunday, October 11, 2009

salamat

para sa'yo ang pasasalamat na ito.. sana'y nababasa mo.. importanteng malaman mo lahat ng ito sapagkat importante sa akin ang mga bagay na ito sa buhay ko. masama man ang loob ko ngayon sayo pero nararapat pa rin kitang pasalamatan. magsisimula ako sa unang araw na nakilala kita.. salamat nagkakilala tayo ng hindi inaasahan. masaya ako dahil para sa akin hinanap mo ako.. at dumating ako sa buhay mo.. ganun ka rin sa akin. ^^ nang una tayong nagkausap (sa text yun, sunod ay sa telepono nang itanong mo ang landline namin).. naramdaman ko agad ang tuwa. kumportable akong kausap ka.. alam mo yung pakiramdam na parang matagal na tayong magkakilala at ang turing ko sayo ay parang bestfriend ko na.. at ganun na nga ang nangyari sa mga sumunod na araw.. hanggang sa nagkita na tayo ng personal. bestfriend na nga talaga kita! :) dahil lagi kang nandyan sa tuwing kailangan ko ng kausap, kasama sa tuwa at sa problema. nandyan ka nakikinig sa mga kwento kong paulit ulit at napakahaba.. kahit na inaantok ka na, na dumating na nga sa point na natulugan mo ko nang hindi sinasadya. haha alam ko yun.. nakakapagod naman kase talagang makinig minsan lalo na kung hindi naman ganun kahalaga yung mga sinasabe ko. ^^ ayos lang yun.. salamat pa rin dahil napaka good listener mo. ^_^ ultimo sama ng loob ko sa ibang tao at sa mommy ko, ikaw ang nakwekwentuhan ko at nabubuhusan ko ng sama ng loob. salamat dahil naiintindihan mo ako ng lubos. at sa mga oras ng lungkot, lage mo ko pinapasaya at pinapatawa.. dahil sayo nawawala ang pagkabigo at sama ng loob ko. salamat rin dahil lage mo ko hinahanapan ng solusyon sa mga problema ko. mas ikaw na nga ang namromroblema kesa sa akin. ^^ nang maging tayo laking pasasalamat ko lalo dahil naramdaman ko ang tunay na pagmamahal na hindi ko kailanman naramdaman sa iba. sayo ko natutunan magpahalaga at magpasalamat sa kung anong meron ako. salamat sa pagaalaga mo sa akin.. sayo ko lang naramdaman ito.. pakiramdam ko para kong sanggol na kahit sa pagkain, sinusubuan mo pa ako, pinagluluto at pinasasalubungan. ang sarap ng feeling. ramdam ko talagang mahal na mahal mo ako at kahit sa pagtanda alam kong patuloy mo pa rin akong pagsisilbihan. ^_^ ( yun nga lang parang ayaw mo na kong balikan T.T). salamat sa pagtyatyaga mo sa akin kahit ilang beses na kitang sinaktan, sinumbatan, pinagtabuyan at hiniwalayan hindi mo pa rin ako iniwan. naappreciate ko ng sobra ang efforts mo para lang makapagkita tayo, mabilhan ng materyal na bagay, at mapakain ng mga masasarap at paborito kong pagkain. lahat ng ito, pinahahalagahan ko at itinatak na sa puso't isip ko. ^^ salamat sa mga oras at panahong magkasama tayo. punong puno ako ng saya kasama ka.. ayoko na nga sanang magbukas at isiping malulungkot nanaman akong magisa. ikaw lang ang nagiisang lalaking nagbigay sa akin ng sapat na atensyon. yung mga lugar na hindi ko pa napupuntahan kailanman katulad ng Manila Zoo, Star City, ay ikaw lang ang nagbreak ng record na yun. ^^ salamat! ang saya saya ko nun. yung mga happy moments natin together, lahat ng yun.. forever kong maaalala. salamat sa rosas na itinanim mo at nung namulaklak pinitas mo para ibigay sa akin. (sana magtanim ka pa uli). salamat sa mga loveletters mo. ^^ salamat sa mga monthsaries and anniversaries natin. kahit minsan nakakalimutan mong 16 na.. ayos lang hindi mo naman ako kinakalimutan kahit minsan. ^^ salamat sa mga specialties mo lalo na yung favorite kong sauce para sa hard boiled egg. proud ako sayo! lalo na pag nakamit mo na ang pangarap mong maging chef! ^^ salamat dahil lagi mo akong binubusog hindi lang sa pagmamahal pati rin sa pagkain. :D salamat sa pagmasahe mo sa buong katawan ko.. nakakarelax! ang sarap mo talagang magalaga. =) salamat sa mga halik at yakap mo, tunay ang pagmamahal mo. salamat rin sa pagsama mo sa lahat ng lakad ko.. mapamanila man, QC, pasig, marikina, at kahit nung nagaaral pa lang ako at maging sa pagaapply ko ng trabaho, very concern ka talaga sa akin. salamat sa paghihitay mo ng matagal.. 7 hours ata ang maximum at ang pinaka maaga ay 2 hours. the rest puro 15 mins. or less. hehe. lab na lab talaga kita! salamat sa pagintindi mo sa bawat sitwasyong naeencounter natin.. sa 4 years (and still counting) nating pagsasama, pinagmamalaki kita dahil natiis mong makipagrelasyon sa akin despite of some hindrances at kahit madalas makasarili ako. kahit hanggang ngayon hindi pa rin kita napapakilala as boyfriend ko sa parents ko, still nagstay ka pa rin sa akin. kahit na madalas kitang sungitan at maliitin sa mga kakayahan mo, hindi mo parin ako pinagpapalit sa ibang babae. (pero sana ako pa rin ang lab mo). sa mga hindi natin pagkakaintindihan, away at hiwalayan, nagpapasalamat pa rin ako dahil totoo ka sa nararamdaman mo at tinuruan mo akong maging matatag sa relasyon, matibay at itama ang mga maling nagawa ko sayo. salamat dahil mas nalaman kong mahal pala talaga kita at hindi kumpleto ang saya ko pag wala ka. sa tuwing nagaaway tayo, salamat.. salamat dahil ramdam ko pa rin na mahal mo ako at nasasaktan ka na nasasaktan mo ako. salamat sa suyo at lambing mo kahit alam nating dalawa na ako naman ang talagang may mali. salamat sa paulit ulit mong pagsabi ng sorry. marunong kang magpakumbaba at tumanggap sa kamalian. salamat sa pagluha mo sa harap ko, tunay kang lalaki. salamat ng marami sa pagintindi, sa pagmamahal, sa pagaalaga, sa atensyon, sa saya at sa tulong. mahal na mahal kita. kaw lang ang gusto kong makasama habang buhay. ikaw lang ang gusto ko. ikaw lang ang para sa akin at ako ay para sayo. sana bumalik ka na. T.T naghihintay sayo ang iyong prinsesa at hinahangad niya ang masayang ending ng love story niya kasama ka. ^_^ halika na, nalulungkot siya. :((

lablayp

haay eto nanaman.. buhay pagibig. ano nga ba ang saktong depinisyon ng salitang pagibig o love? minsan kase naguguluhan ako kung pagmamahal nga ba iyon o pinapahalagahan mo lang . malaki ang difference nun diba? pero ang alam ko.. seryoso man o hindi may pagmamahal parin dun.. hindi lang naten tinatanggap at nauunawaan ang nararamdaman ng bawat isa. tulad ko, base sa experience ko sa pakikipagrelasyon, bago pa man ako pumasok rito, eh, meron ng kahit kaunting pagtingin sa kanya at onti onti lamang itong nadadagdagan at naging pagmamahal na habang tumatagal. hindi ko siya natutunang mahalin, i believe we were meant to be inlove. ^^ masaya ako sa pagmamahal na iyon. mas nauunawaan ko ang mga nakikita kong drama sa telebisyon at maging sa realidad. mas masaya ako sa estado ko ngayon kumpara nung single pa lang ako. syempre kahit sino naman, mas ramdam ang saya pag may kapartner sa buhay, hindi ba? ^_^ yun nga lang.. meron din lungkot at hindi maiiwasang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan na maaaring magdulot sa hiwalayan. tulad ko rin na nakararanas nito, madalas mangyari sa amin 'to. madaling magmahal, mahirap masaktan. nagmamahal ka na nga, nasasaktan ka pa. unfair diba? minsan nga pumapasok sa isip ko mas masaya pa maging single, walang mananakit sa'yo, walang magpapaiyak, hindi mo mararamdaman ang tampo at sama ng loob. pero sa kabila nun, mas pinipili parin natin makipagrelasyon dahil alam natin ito lang at ito lang ang magbibigay sa atin ng tunay na saya. haay.. sa ngayon at hanggang ngayon, hindi ko parin alam ang saktong depinisyon ng pagmamahal.. lahat naman tayo likas sa atin ang magmahal.. magmahal sa kapwa, sa pamilya, sa kaibigan, sa sarili, sa mga taong dumaan lang sa buhay natin at syempre sa ating mga kabiyak. maraming depinisyon ang pagibig at kanya kanya tayong may sariling pagunawa dito depende sa mga karanasan natin. ang sa akin lang, hanggat masaya ako sa binibigay niyang atensyon at pagmamahal, pagibig ang tawag ko dun. masaktan man ako at patuloy na luluha, pagibig pa rin yun. sana lang malaman niya na hindi ako katulad ng iniisip niya sa akin. sa totoo lang, ako'y nagdaramdam at nasasaktan dahil pakiramdam ko ang baba ng tingin niya sa pagmamahal ko. T.T

Wednesday, October 7, 2009

1st time sa Baclaran =)

sa pagiging desperada ko sa paghahanap ng trabaho dahil palaging hindi pinapalad.. naisipan kong magsimba sa Quiapo (kay St. Jude), dahil sabi nila si St. Jude daw ang Saint of hopeless cases. eh, sa tingin ko naman yun ang kailangan ko.. - PAGASA. pagasang makahanap ng trabahong noon ko pa inaasam-asam. naka-ilang apply naren kase ako sa mga iba't ibang kumpanya at ilang beses na bumalik para sa panibagong interview pero ganun parin ang sitwasyon.. nagapply na nga rin ako sa mga call centers na hindi naman talagang kasama sa plano ko pero dahil sa kahirapang makakuha ng trabahong gusto ko, sinubukan ko narin, wala namang masama, toxic lang (nosebleed) haha. ayun, nakakabigo at nakakawalang gana. dumating na nga sa punto na pakiramdam ko malas ako sa career at gusto ko na lang tumambay habang buhay. pero paano ako aasenso sa pagiging tamad, diba? =) nag-away na nga rin kami ni mudra dahil sa pressure niya sa akin. paano ba naman kase, naaasiwa na siya sa pagmumukha ko sa bahay. haha wala akong ibang ginawa kundi humilata sa sofa at sa kama. =)) ayun, dagdag sama ng loob. haay, kaya naman ngayon gusto kong mas mapalapit sa Diyos dahil Siya lang ang makakatulong sakin. tama c mommy, dasal lang talaga ang kailangan ko.. dahil nagawa ko naman na yung best at effort ko sa pagaapply pero hindi parin sineswerte. dapat nga talaga put God first and everything will be fine. hmm.. pero teka hindi kami sa St. Jude nagpunta. sa Baclaran church na. haha. c manang kase nasuggest niya dun.. eh dahil hindi ko pa napupuntahan ang lugar na yun though di pa rin sa St. Jude pero pinili ko na lang din sa Baclaran dahil next time dalawa kami ni Galvin magsisimba sa St. Jude. haha =) ayun, nagpunta kame ni manang.. ang sarap magsimba dun. ramdam ko talagang napalapit ako sa Kanya. daming tao.. daming nananalangin at humihiling.. isa na ako dun. 1st time ko yatang makakita ng mga taong nagdadasal nang nakaluhod patungo sa altar. sa pelikula at tv ko lang naman kase yun napapanood. nakaka-amaze! ang haba ng aisle..parang gusto ko dun ikasal..matagal maeexpose yung wedding gown ko haha. dapat nga itatry ko rin (yung pagluhod ha ..mali iniisip mo.haha) kaso next time na lang pag natuto na kong magnovena hehe. naniniwala akong natutupad at matutupad ang mga hiling at panalangin ng mga taong nagsisimba doon. ramdam kong punong puno ng milagro ang simbahan na yun. nagtirik pa nga ako ng tatlong kandila..isa para sa pamilya ko, ung isa para sa sarili ko at ung isa syempre para samin ni Galvin. ^^ nawa'y mas makapaglingkod pa ako sa Diyos para tuloy tuloy ang blessings. hmm.. what a spiritual day for me. babalik ulit ako dun! =) by the way, ang laki pala talaga ng Maynila, ano? haha. dami ko pang di napupuntahang lugar dito sa Manila.. maliligaw parin ako na parang probinsyana kahit na tubong Maynila ako. =)) mas masaya sumakay ng bus na walang aircon. mas kumapal yung mukha ko sa usok! hahahaha!

haay.. sayang naman talaga un uh!

ang haba na ng blog na nagawa ko nung isang gabe.. natuwa na ako dahil nakagawa ako ng isang composition na tiyak galing talaga sa puso't isipan ko pero minalas malas nga naman haha. hindi siya napublish dahil sa di inaaasahang pagkatanga. burrr! talaga naman uh! minsan talaga'y meron akong katangahang taglay. alam mo un.. mabibwisit ka talaga sa katangahang yon. tsk! sarap pa namang basahin yun ng buo lalo na kung may moral lesson sa blog na yun. lintik na.. di talaga ako makagetover haha. sayang naman kase talaga..hmm kung sa mword ko ginawa yun , tingin ko 5 pages na yun (1.5 spacing). haay..papabasa ko pa naman yung blog ko na yun sa mga taong malapit sa akin. syempre matutuwa akong nababasa nila at nakikita ang mga gawa ko. kahit na hindi man mahalaga sa kanila pero sa akin ibang klase yun. =) anyhow, i have to move on with that simple shit. haha babaw ko talagang nilalang. yun lang dinadramahan ko pa..at binablog. siguro isa ito sa mga naiisip ng mga nakakabasa.. hehe. ok lang. kahit naman ako naiisip ito. see, mukha talaga akong tanga! hahaha. gagawa na lang ako ulit ng panibago at sisiguraduhin kong mapupublish na yun at hindi na madedelete. wahahahaha!