uh.. uhm.. hmm..paano ba gumawa ng introduction? hahaha potek! pagiisipin nanaman ako neto! kahit kailan talaga di ako marunong magcompose ng kahit ano - mapatagalog man o mapaenglish..ni hindi nga ako gumagawa ng journal o diary nung bata ako eh. ay gumawa na pala ako minsan pero hanggang page 5 lang ata. haha ska nung college, required kase. haha. di rin ako mahilig magbasa pwera nalang kung love letter o friendly letter. haha. walang saysay noh? hmm.. wala lang.. sabe nga sa title: naisip ko lang...oo, naisip ko lang na magregister dito at gumawa ng blog :) actually, nagregister ako nung una (kanikanina lang) sa plurk.com. ayos naman kaya lang nasasayang oras ko dun sa pagdiskubre kung paano pagandahin ang profile, atbp. hindi pa maupload picture ko dun. dame arte amp. kaya naman dito ako sumubok.. buti hindi kumplikado. pero babalikan ko rin un plurk na un! humanda un saken. ang tagal ko nang tambay ngayon ko lang naisipan magblog.haha ayos to! palipas oras. hindi ako mabuburyo sa oras nang pagiisa. hahaha. dito ko naren ilalagay lahat ng kwento kong maaaring walang kwenta sa inyo :) at dito ko nalang din ibubuhos ang emosyon ko. :) sige, hanggang dito na lang muna.. ako'y babalik. :D
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment